MUNISIPYO

AWIT NG CAMILING
Musika at Titik ni RODERICK C. DELA CRUZ

 

Lahat kami rito’y nagpupugay

At nagbibigay galang sa sino man

Sapagkat kami’y nagkaka-isa

At nagtutulong-tulong

Upang mapa-unlad

Bayan naming mahal

Na nagmula sa isang puno

Ito ay puno ng “Camiring”

Camiling bayan ng Camiling

Mamamaya’y dangal tanging yaman

Camileneos sadyang maka-dios,

Maka-tao’t, makatarungan

Lumalaban sa anumang paligsahan

Bayang kinagigiliwan

Camiling, Camiling, Camiling, Camiling

Taas noo kahit kanino man

Camiling, Camiling, Camiling, Camiling

Mabuhay ka bayan ng Camiling

Back to Top